Esp Grade 10 (Pahina 356), Panuto: Ang Mga Sumusunod Ay Mga Isyung Napapaloob Sa Mga Isyu Sa Paggawa At Paggamit Ng Kapangyarihan. Pumili Ng Isang Isy
EsP Grade 10 (pahina 356)
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga isyung napapaloob sa mga isyu sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan. Pumili ng isang isyu lamang at gumawa ng reaction paper tungkol dito.
a. Korapsiyon
b. Suhol
c. Nepotismo
d. Sugal (game of chance)
e. Paggamit ng oras
f. Paggamit ng kagamitan
g. Conflict of Interest
Paggamit ng oras
Ang oras ang materyales na hindi nauubos, ika nga, laging mayroon niyan. Ang nakaraan ay naubos mo na, ang ngayon ay nagagamit mo pa at ang bukas ay aasahan mong makukuha mo pa. Iyan ang paggamit ng oras, sa tama!
Kaya lang nakadadama ang iba na ang kahapon ay halos hindi nila nagamit, baka may dapat pa ngang habulin pero hindi na maibabalik. At ang iba ay puwedeng maubos na ngayon pa lang maging ang mga susunod na bukas. Bakit?
Kailangan mong pamahalaan ang iyong paggamit ng oras. Kung hindi, talagang masasayang ito. Nag librang panahon ay baka kailangan mong bayaran upang magamit. Paano nangyayari ito?
Baka kung nakagawa ka ng iskedyul mo, ikaw mismo ang gagawa ng isang atas. Pero dahil walang tunguhin ang buong araw mo, kailangan mong magbayad ng iba na gagawa nito para sa iyo.
Kaya maglaan ng panahon na umupo, tuusin ang gawain at ang panahon na kailangan mong panahon upang magawa mo ang mga bagay-bagay.
Saka kumilos!
Comments
Post a Comment